Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na panatilihin na muna sa Ozamiz City si Chief Inspector Jovie Espenido at huwag nang ituloy ang kaniyang bagong assignment bilang hepe ng Iloilo City Police Office. Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, nakita mismo ng pangulo ang sitwasyon sa Ozamiz City na kailangan pa nila si Espenido. Nilinaw naman ni Dela Rosa na walang kinalaman ang recall order kay Espenido sa pagkakapatay sa most wanted drug suspect sa Iloilo na si Richard Prevendido. Katu…
May hinanakit si Sen. Antonio Trillanes sa ilang miyembro ng majority coalition ng Senado dahil sa gusto siyang parusahan sa umano’y ‘unparliamentary remark’ sa isang committee hearing samantalang tahimik naman sila habang ang iba ay pumapalakpak pa kapag nagmura sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte. Nagmula ang ‘hugot’ ni Trillanes sa plano ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na kasuhan siya sa ethics committee matapos nitong tawaging ‘committee de absuwelto’ ang komite ni Gordon nang tumanggi itong ipataw…
Pakikiusapan umano sa kontrobersyal na si Atty Ely Pamatong ng grupong United States Allied Freedom Fighters of the East (USAFFE) si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ito ng proteksiyon. Ito ay matapos ni-raid ng composite team ng Martial Law-Special Action Group (ML-SAG) ang kampo nito sa bisa ng search warrant ng korte kung saan nakuha ang ilang granada, baril at assorted uniforms sa Barangay Tablon, Cagayan de Oro City kaninang umaga. Sinabi ni Pamatong na nais nitong maalis sa mga pulis na nagsagawa nang pag-raid sa kanilang c…
Nagsasagawa ngayon ng caucus sa tanggapan ni Senate President Koko Pimentel ang mga senador na miyembro ng mayorya. Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto III na siya ring chairman ng ethics committee, kasama sa agenda ang plano ni Senator Richard Gordon na sampahan si Senator Antonio Trillanes IV ng ethics complaint. Ayon kay Senator Sotto, papakinggan muna nila si Senator Gordon dahil hindi naman lahat sila ay nakapanood ng naging mainit na pagtatalo nilang dalawa ni Senator Trillanes sa pagdinig ng blue ribbon committee ukol sa mg…
Kinumpirma ni Sen. Richard Gordon na mayroong higit 14 na senador ang sumusuporta sa kanyang ihahaing ethics complaint laban kay Sen. Antonio Trillanes. Ito ay may kaugnayan sa pagtawag ni Trillanes na nagiging komite-de-abswelto na ang Senate Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ni Gordon na nag-iimbestiga sa P6.4 Billion na halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs. Inakusahan din ni Trillanes na nag-aabogado sina Sen. Tito Sotto at Gordon kay presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na iniuugnay sa umano’y D…
Binalaan ni Police Regional Office (PRO)-6 director C/Supt. Cesar Hawthorne Binag ang mga personalidad na may kaugnayan sa napaslang na top drug lord ng Western Visayas na si Richard Prevendido. Ayon kay Binag, pinapaaral na niya sa cybercrime division ng Philippine National Police ang tatlong laptop at anim na cellphone na nakuha mula sa bahay kung saan natunton si Prevendido. Sinabi ni Binag na ang mga pangalang nasa laptops at cellphones ni Prevendido ang sunod na magiging target. Walang sasantuhin ayon kay Binag, pulis man o politi…
Nagbarikada ang mga taga-suporta ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa harap ng kanilang city hall bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang alkalde. Ito’y kasunod ng isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng NBI o National Bureau of Investigation sa tahanan ni Mabilog bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa lifestyle check ang alkalde. Daan-daang taga-suporta ni Mabilog ang nagtipon sa San Jose Parish Church malapit sa city hall upang magsagawa ng misa at saka nagmartsa sa Plaza Libertad kung saan naman …
Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay dating MNLF Founding Chairman Nur Misuari. Sa resolusyon ng Sandiganbayan 3rd division, iniutos din nito ang pagsasagawa ng paglilitis laban kay Misuari sa kasong graft at malversation. Ang mga kasong ito ay nag-ugat sa textbook scam na aabot sa 137.51 Million pesos mula 2000-2001. Naganap ang paggastos ng nasabing halaga taong 2000 at 2001 kung kailan si Misuari ang nakaupo bilang ARMM governor. Dahil dito, ang mga biniling educational materials sa ARMM noong gobernador pa si Misuari …
Napuno ng emosyon ang ginagawang pagdinig ng senado kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd de los Santos at Carl Arnaiz. Napaiyak si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa nang kwestyunin sa aspeto ng umano’y polisiya na ipinapatupad ng pamahalaan kaugnay sa war on drugs. Iginiit ni Bato na handa syang magbitiw kung mapapatunayan na mayroon syang ipinag-utos na patayin ang lahat ng mga drug suspects. Sa kanyang sagot sa naging pahayag ni Sen. Risa Hontiveros, sinabi ni dela Rosa na handa niyang iwan ang posisyon sa PNP at umuwi na laman…
Iginiit ng asawa ni Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III na posibleng ‘planted’ o itinamin lang ang sari-saring baril at iligal na droga na natagpuan sa kanilang bahay. Kasunod ng pagkakaaresto sa kanyang asawa, sinabi ni Monette Marcaida na pinasok ng apat na armadong lalaki ang kanilang bahay bandang 3:30 ng madaling araw ng Lunes bago dumating ang raiding team. Posible aniyang iniwanan ng nasabing mga armadong lalaki ang nakuhang mga baril at droga sa kanilang bahay ng raiding team. Ayon kay Monette, nang pasukin sila ng mga…
Binuweltahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa kanyang pahayag na may umiiral na polisiya ng pagpatay ang administrasyon kasunod ng magkakasunod na pagkakapatay ng Caloocan City Police kina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz. Sinabi ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview matapos ang pagdalo sa 55th anniversary celebration ng Metrobank sa Fort Bonifacio, Taguig City, nais niyang tanungin kay Hontiveros kung sapat na bang basehan ang dalawang kaso ng pagpatay para sabihing may ganitong polisi…
Ipinagmalaki ni bagong Customs Commissioner Isidro Lapeña na wala ng ‘tara’ o lagay sa ahensya. Unang hinikayat ni Lapeña ang mga importer na iwasang magbigay ng tara para sa kanilang mga kargamento. Hihigpitan na rin sa Customs ang pagsala sa mga shipment para matiyak na wala nang makakalusot na kontrabando gaya ng 6.4 billion pesos na droga mula China. Pero aminado si Lapeña na 70-porsyento ng mga droga sa bansa ang naipapasok sa mga pantalan. Dahil dito, i-rereview na ng BOC ang ‘green lane’ kung saan mabilis na nakakalabas ang mga…
Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman bilang chief of police ng Iloilo City si Chief Insp. Jovie Espenido sakaling itatalaga siya roon. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos kanselahin ng Philippine National Police (PNP) ang assignment ni Espenido sa Iloilo City dahil bitin ang ranggo para maging chief of police. Sinabi ni Duterte sa ambush interview kagabi sa Fort Bonifacio, Taguig City, wala siyang sinabing itatalaga si Espenido bilang chief of police dahil alam niyang wala pa itong ranggo para sa posisyon. …
Tinawag na ‘organized crime syndicate’ ng grupong Karapatan ang Philippine National Police (PNP). Ito ay kasunod pa rin sa pakamatay ng 19-anyos na binatilyo na si Carl Angelo Arnaiz na inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon. Matatandaang base sa salaysay ng mga pulis, nangholdap umano si Arnaiz nang sinakyang taxi sa C-3, Caloocan. Nakahingi raw ng tulong ang drayber at nang huhulihin na raw si Arnaiz ay agad itong nanlaban, dahilan para paputukan ito nina PO1 Jefrey Perez at PO1 Ricky Arquilita. Ayon kay Cristina Palabay, secreta…
Positibong kinilala ng ama ni Reynaldo de Guzman na katawan ng kanyang 14-anyos na anak ang natagpuan sa isang funeral parlor sa Gapan, Nueva Ecija. Kinilala ng ama ang anak sa pamamagitan ng marka sa kanyang binti at isang kulugo sa kanyang tuhod. Si De Guzman ang umano’y kasama ni Carl Angelo Arnaiz bago ito napaslang ng mga pulis sa Caloocan City. Nagtamo ang biktima ng 30 saksak sa katawan at nakabalot pa ang mukha nito ng packing tape. Ipinagtataka naman ng ama ng biktima kung paano nakarating sa Nueva Ecija ang bangkay ng kanyang…
Muli na namang inulan ng batikos si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson matapos kumalat ang pictures nito na nagpeperform kasama ang kanyang girl group sa isang casino sa Parañaque City. Ito ay labag sa Memorandum Circular No. 06 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na pumunta sa mga gambling casinos at nilagdaan noong Setyembre 20, 2016, panahong nakaupo na si Pangulong Duterte sa pwesto. Ang performance ni Uson sa loob ng naturang casino nitong Setyembre 5 ay kinumpirma ng isang service ambassa…
Hindi puwedeng gumawa ng batas ang Kongreso na tanging ang mga Marcos ang makikinabang tulad ng paglibre sa kanila ng mga kaso kapalit ng isasauling kayamanan. Ito ang nilinaw ni Kabayan Rep. Harry Roque matapos ipasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bola sa Kongreso para gumawa ng batas para sa papasukin nitong negosasyon sa mga Marcos hinggil sa isasauling kayamanan. “The Constitution will forever be our guiding document. We cannot legislate just to accommodate the Marcoses,” pahayag ni Roque sa press briefing kahapon. Sinabi ni Ro…
Like our FB Page: https://www.facebook.com/PhilPublicInfo/ Join Our groups: https://www.facebook.com/groups/578639775632088/ Visit our website: http://www.philpublicinfo.com LIVESTREAM: Senate hearing on P6.4-B shabu shipment Courtesy of GMA News So what can you say about this one?Let us know your thoughts in the comment section below,and dont forget to share,Just visit our website for more latest happening.
Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kasama sa tungkulin ng gobyerno ang trumabaho at makisawsaw sa extra-judicial killings (EJKs). Sa ika-60 anibersaryo ng Social Security System (SSS) sa Quezon City kahapon, binalaan ni Duterte ang mga nasa likod ng EJKs na may kalalagyan ang mga ito. “But itong droga will stay. I would like to tell you, that if I do not act decisively, sa ‘yung ano nila na the attacks about extrajudicial killing, of course, we do not like it…and if you are into it, I’ll see to it you go to jail. Baka ak…
Inalmahan at ikinabahala ng ilang senador ang pagpatay sa 14 anyos na si Reynaldo De Guzman. Sa isang statement, sinabi ni Liberal Party Pres. Sen. Kiko Pangilinan na dapat nang itigil ang mapang-abusong “Oplan Double Barrel.” Naniniwala si Pangilinan na tanging ang pag-anunsyo ni Pres. Rodrigo Duterte na itigil ang “war on drugs” ang siyang makakatigil sa patayan ng mga inosente at sa pang-aabuso ng mga tiwaling miyembro ng Philippine National Police (PNP). “ Kinokondena natin ang karumal-dumal na krimen ng pagpatay na dulot nitong ba…
Nag-post si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang facebook account na diumano’y isang triad tattoo, matapos na iniugnay ni Senator Antonio Trillanes IV ang kanyang kapatid na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa isang international crime syndicate. “Trillanes and US Dea (Drug Enforcement Agency). Paki Decode. Please. By the way, thank you Edwin Miraflores for the triad tattoo,” ani mayor sa kanyang facebook post. Sa pagdinig ng Senado noong Huwebes sa P6.4 bilyon na halaga ng shabu na ipinuslit sa bansa mula sa China, sin…
”Black propaganda” lang ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagsusumikap nitong maidiin sa kontrobersyal na P6.4 billion na shabu shipment si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. Ito ang sinabi ng abogado ng presidential son na si Atty. Rainier Madrid sa isang Radio interview. Giit ni Madrid, posibleng bahagi ito ng kagustuhan ni Trillanes na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dagdag pa niya, walang kwenta ang mga iprinisintang ebidensya ni Trillanes sa senate hearing kahapon. Kinuwestiyon pa ni Madrid ang tunay…
Vice Mayor Paolo Duterte nagmamatigas na huwag ipakita sa publiko o pakunan ng larawan para maipasuri sa United States Drug Enforcement Agency ang kanyang tattoo sa likod. Sa pagdinig ng Senado ukol sa mga anomalya sa Bureau of Customs ay ibinunyag ni Senator Antonio Trillanes IV na ang tattoo sa likod ni Vice Mayor Pulong ay patunay na miyembro ito ng triad o transnational criminal organization na nagsasagawa din ng smuggling ng droga. Hamon ni Trillanes kay Vice Mayor Paolo, ipasuri sa US DEA ang tattoo nito para ma-decode at matukoy ang s…
Matapos na magkasagutan na nauwi pa sa ethics complaint, hindi pa rin tinantanan ni Senador Antonio Trillanes na pitikin si Senador Richard Gordon sa pagsasabing nerbiyoso at nanginginig umano ito nang makaharap lang ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Partikular na tinukoy dito ni Trillanes ay ang pagharap ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa nakalusot na shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC). Si Duterte at bayaw nitong si Mans Carpio ay nadawit sa sinasabing Davao group na …
Hindi na pinatulan pa ni Senator Antonio Trillanes IV ang naging hamon na duwelo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Senador, nagpapakita na tila bumibigay na ang kaniyang pag-iisip. Dagdag pa nito na nababahala siya sa psychological capacity ng pangulo na mamuno ng bansa at nangangailangan ng isang psychiatrist. Sinabi ni Pangulong Duterte sa isang talumpati sa Digos City ” na duwag ito… Payo pa niya sa mga pulis at sundalo, sakaling bastusin sila ng senador sa Senate hearing, hamunin ito ng barilan. “‘Yang style ni Trillanes, ‘wag kayon…
“Huwag kayong mainip. Malapit na.” Ito ang pagmamalaki ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa isang talumpati isang araw bago ang kaarawan ng kanilang ama na si Ferdinand Marcos Sr. Tinawag rin ni Imee si Bongbong na Vice President, na tila ay nagpapahiwatig sa posibilidad na mananalo ang kapatid sa inihaing electoral protest na kumukwestyon sa 2016 vice presidential elections. Taliwas ito sa nauna nang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal na ibinasura ang “first cause of action” ng reklamo laban sa integridad ng naganap na halalan. …
Umapela kahapon si Vice President Leni Robredo sa mga matitinong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na huwag hayaang sirian ng iilang tiwaling pulis ang kanilang institusyon. Ginawa ni Robredo ang kanyang apela sa kanyang radio program kahapon kaugnay ng kaliwa’t kanang pagkakasangkot ng ilang PNP officials sa pagpatay ng mga taong walang kalaban-laban sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga. “Ang paniniwala ko, mas marami pa rin iyong mabubuti. Mas marami pa rin iyong mga matitino. Kaya nananawagan tayo sa kanila na tulungan ta…
Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin si Sen. Antonio Trillanes IV. Ayon sa pangulo, dahil tila determinado si Trillanes na sirain siya, uunahan na niya ito dahil kung hindi ay siya ang dudurugin nito. “He’s bent on destroying me, so I destroy him or he will destroy me. Ganun lang ‘yan,” ani Duterte. Una nang inakusahan ni Pangulong Duterte si Trillanes n pagkakaroon ng maraming offshore bank accounts. Ayon pa sa presidente, sa susunod na ilang araw ay ibubunyag niya ang mga deposito na natanggap ni Trillanes mula sa mga Chinese bank…
Viral ngayon sa social media ang video ni Maria Sofia Sanchez o mas kilalang Maria Sofia love. Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang ginawa niyang ito sa video. Sa kaniyang video, nakasuot na red swimsuit ito at maririnig na pinapatugtog ang ating pambansang awit. Halos lahat ng pilipino, ginagalang ang kantang ito at bilang pagbibigay galang, inilalagay natin ang ating kanang kamay sa ating dib-dib habang ito ay kinakanta. Pero sa videong ito, imbis na sa kaniyang dib-dib ilagay ang kaniyang kamay, sa pribado niya ito inilagay …
Maling bangkay ang pinaglalamayan ngayon sa Cainta Rizal ng mga pamilya ni Reynaldo De Guzman ayon sa Philippine National Police (PNP). Ayon kay Deputy Director General Fernando Mendez, batay sa DNA test hindi si Kulot ang nakitang bangkay ito ay makaraang lumabas sa isinagawang resulta ng DNA ng PNP. Sinabi ng PNP na 99.99{47e4c95680cfa2693b2ea057e1d49de8a9784adc5ecdd3d3a10cec10371d16ef} accurate ang DNA result. Si De Guzman ang 14-anyos na kasama ni Carl Angelo Arnaiz noong gabi nang mapatay umano ng mga pulis na iniulat na nawawala. …
Hindi naaangkop ang pagdedeklara ng holiday sa Ilocos Norte sa ika-100 kaarawan ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. to ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo kahapon kung saan bukod sa holiday sa Ilocos Norte isinelebra pa ng pamilyang Marcos at ng kanilang supporters ang kaarawan ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani. Ayon kay Robredo, karapatan ng mga naulila ni Marcos na iselebra ang kaarawan ng kanilang yumaong mahal sa buhay subalit hindi ito nararapat idikta ng pamilya sa publiko dahil sa dami ng mga kas…
Bukod sa hindi pagtutugma ng DNA test, ibinunyag ngayon ng Philippine National Police (PNP) na hindi tuli ang bangkay na pinaglalamayan ngayon sa Cainta, Rizal na una nang inaangkin ng mag-asawang Eduardo Gabriel at Lina De Guzman na anak nila na si Reynaldo De Guzman alyas Kulot. Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, base ito sa pagsusuri na ginawa ng PNP sa bangkay. Dagdag ng opisyal, base sa pahayag ng mga kapatid ni Kulot, nagpatuli na ang kanilang kapatid noong dose anyos pa lamang. Ayon kay Carlos patunay ito na hind…
Nakatutok umano ngayon si Vice President Leni Robredo sa pagtulong sa rehabilitasyon sa Marawi City at ipinaubaya sa kanyang mga abogado ang electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos. Sa panayam ng isang radio station Sinabi ni Atty. Maria Bernadette Sardillo, legal counsel ng bise presidente, simula pa lamang ipinaubaya na sa kanila ng Bikolanang opisyal ang naturang kaso habang patuloy ang pagtatrabaho nito bilang ikalawang pangulo ng bansa. Aniya, abala ngayon si Vice President Robredo sa pagtulong sa rehabilitasyon sa…
May sapat na batayan upang ipagpatuloy ng Senate Committe on Ethics and Privileges ang pagdinig sa ethics complaint na inihain ni Senator Richard Gordon laban kay Senator Antonio Trillanes IV. Ito ang lumabas sa isinagawang pagdinig ng komite sa reklamo kahapon. Subalit kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang Section 5 ng ethics complaint. Ito ay kaugnay ng partisipasyon ni Sen. Trillanes sa Oakwood Mutiny noong 2007. Sa ngayon, pinagsusumite muna ng komite ng counter affidavit si Senator Trillanes kaugnay ng reklamo…
Tahasang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na isusunod na ang pagpulbos sa New People’s Army (NPA) sa oras umanong matapos ang krisis sa Marawi City. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang muling pagbisita sa tropa ng pamahalaan sa Marawi na lumalaban sa ISIS-Maute terror group. Pero nilinaw naman ni Pangulong Duterte na pokus muna ang gobyerno sa problema sa Marawi bago ang isyu ng mga makakaliwang grupo. Ayon sa Pangulong Duterte, nais nitong makapagbakasyon muna at makapagpahinga ang tropa ng gobyerno sa oras na matapos…
Dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpuna ng ilang Muslim sa pagpasok nito at ng kanyang mga kasamahan sa loob ng Grand Muslim Mosque sa Marawi City nang nakasapatos. Bukod sa pangulo, binatikos rin ng ilang Muslim ang pagsama ni Assistant Secretary Mocha Uson sa grupo ng pangulo at pagpasok sa grand mosque nang walang suot na hijab. Paliwanag ng pangulo nang dumalaw ito sa burol ng dalawang nasawing sundalo sa Marawi, batid niya ang kagawian ng mga Muslim sa pagpasok sa mga mosque. Gayunman, sa kanilang pagbisita aniya sa Mosque…
Tinawag na isang malaking kalokohan ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon ang desisyon ng House of Representatives na aprubahan lamang ang P1,000 na budget para sa 2018. Ayon kay Gascon, “arbitrary, whimsical and capricious” ang ginawa ng Kamara de Representantes, at hindi nila aniya mawari kung bakit determinado si House Speaker Pantaleon Alvarez at ang maraming mambabatas na isulong ito. Sinabi pa nito na dapat matauhan ang mga kongresista sa pangunguna ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez. Dagdag pa nito na kaniy…
Ibabalik ang P678 million budget ng Commission on Human Rights (CHR) kung magre-resign si Chairman Chito Gascon. Sa ambush interview kay Commission Gwen Pimentel matapos bigyan ng P1,000 budget and CHR sa 2018 base sa mosyon ni 1-Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta na inayunan ng 119 congressmen at tinutulan ng 32 mambabatas, nabatid na personal nitong nakausap si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez. “He did mention that if the chair step down then probably the budget would be increased or given to the CHR,” ani Pimentel. Gayunpam…
Dismayado si United Nations’ Special Rapporteur Agnes Callamard sa resulta ng botohan sa Kamara na nagresulta sa pagbibigay lang ng P1,000 pondo ang Commission on Human Rights (CHR) para sa susunod na taon. Tinawag ni Callamard na karapat-dapat kundenahin at wala sa katwiran ang ginawang desisyon ng pagboto ng 119 na mambabatas pabor dito. “Part of the Duterte administration’s attempt to prevent independent institutions to check its abuses, particularly in the context of the brutal drug war that has claimed the lives of thousands, includin…
Social Plugin