Pulis at politiko nasa laptop at CP ng No.1 drug lord ng Western Visayas!

Binalaan ni Police Regional Office (PRO)-6 director C/Supt. Cesar Hawthorne Binag ang mga personalidad na may kaugnayan sa napaslang na top drug lord ng Western Visayas na si Richard Prevendido. 

Ayon kay Binag, pinapaaral na niya sa cybercrime division ng Philippine National Police ang tatlong laptop at anim na cellphone na nakuha mula sa bahay kung saan natunton si Prevendido. 

Sinabi ni Binag na ang mga pangalang nasa laptops at cellphones ni Prevendido ang sunod na magiging target. 

Walang sasantuhin ayon kay Binag, pulis man o politiko, ang makikita sa mga laptop at cellphone. Matibay na ebidensiya ito ayon sa PRO-6 director, para panagutin ang mga may kaugnayan kay Prevendido. 

Magsisilbi rin aniya itong babala para sa mga pulis at politiko na mga drug protector.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento