MNLF founding chair Nur Misuari, ipina-aaresto ng Sandiganbayan,”Textbook scam na aabot sa 137.51 Million!

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay dating MNLF Founding Chairman Nur Misuari. 

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 3rd division, iniutos din nito ang pagsasagawa ng paglilitis laban kay Misuari sa kasong graft at malversation. 

Ang mga kasong ito ay nag-ugat sa textbook scam na aabot sa 137.51 Million pesos mula ‎2000-2001. 
Naganap ang paggastos ng nasabing halaga taong 2000 at 2001 kung kailan si Misuari ang nakaupo bilang ARMM governor. 

Dahil dito, ang mga biniling educational materials sa ARMM noong gobernador pa si Misuari ay kinakitaan ng korte ng probable cause para isyuhan ng warrant of arrest ang lider ng MNLF.

Hindi dumaan sa public bidding ang pagbili ng mga textbooks at iba pang educational materials, wala ding procurement documents, gayundin ang inventory at distribution lists. 

Kasama din sa ipinaaresto sina Leovigilda Chinches, Pangalian Maniri, Sittie Aisa P. Usman, Alladin Usi, Nader Macagaan, Cristeta Ramirez at Lolita Sambeli.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento