Pakikiusapan umano sa kontrobersyal na si Atty Ely Pamatong ng grupong United States Allied Freedom Fighters of the East (USAFFE) si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ito ng proteksiyon.
Ito ay matapos ni-raid ng composite team ng Martial Law-Special Action Group (ML-SAG) ang kampo nito sa bisa ng search warrant ng korte kung saan nakuha ang ilang granada, baril at assorted uniforms sa Barangay Tablon, Cagayan de Oro City kaninang umaga.
Sinabi ni Pamatong na nais nitong maalis sa mga pulis na nagsagawa nang pag-raid sa kanilang compound dahil nangangahulugan ito ng panganib sa kanyang buhay.
Inihayag ni Pamatong na target umano siya na mahuli at ipapatay sa loob ng kulungan para hindi na mahadlangan ang mga kalaban ni Duterte na nagnanais ring umagaw sa puwesto nito sa Malakanyang.
Minaliit rin ng abogado ang nakumpiska na dalawang granada at kalibre 45 na baril mula sa kanyang compound dahil halata naman umanong “planted” ang mga ito.
Si Pamatong ay nakilala sa publiko matapos ang kontrobersiyal na pagsaboy ng “spikes” sa kahabaan ng EDSA nang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nuissance candidate noong 2004 presidential elections sa bansa.
Una nang iginiit ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) deputy director for operations Supt Melgar Devaras na maraming ulat ang kanyang natanggap na humawak ng maraming baril ang mga tauhan ni Pamatong.
Si Pamatong ay bigo na mahuli ng ML-SAG nang isinilbi ang 42 na search warrants dahil ilang linggo na itong umalis sa Mindanao patungong Luzon.
source
0 Mga Komento