May hinanakit si Sen. Antonio Trillanes sa ilang miyembro ng majority coalition ng Senado dahil sa gusto siyang parusahan sa umano’y ‘unparliamentary remark’ sa isang committee hearing samantalang tahimik naman sila habang ang iba ay pumapalakpak pa kapag nagmura sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagmula ang ‘hugot’ ni Trillanes sa plano ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na kasuhan siya sa ethics committee matapos nitong tawaging ‘committee de absuwelto’ ang komite ni Gordon nang tumanggi itong ipatawag sa hearing ang anak at manugang ni Pangulong Duterte na nakaladkad sa imbestigasyon ng P 6.4 bilyong shabu mula sa China na lumusot sa green lane ng Bureau of Customs noong Mayo.
Nalulungkot si Trillanes sa balak ni Gordon na kasuhan siya sa ethics committee dahil sa umano’y unparliamentary remark samantalang si Pangulong Duterte, malulutong na “put—-na” ang binibitawan sa publiko kahit na sa kanyang state of the nation address.
Naninindigan si Trillanes na wala siyang ginawang mali sa hearing para siya ay makasuhan at maparusahan.
Ang mga senador na makakasuhan sa ethics committee ay maaaring parusahan ng expulsion, suspension o pagalitan lang bilang pinakamagaan na parusa.
“Kumpiyansa ako na wala kong ginawang unethical.
Pangalawa itong mga senador naniniwala ako na alam nila ang tama at mali especially sa ganitong bagay,”ani Trillanes.
0 Mga Komento