Duterte binalaan ang mga nasa likod ng EJKs: ”May kalalagyan kayo!

Binigyang-diin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hindi kasama sa tungkulin ng gobyerno ang trumabaho at makisawsaw sa extra-judicial killings (EJKs). 

Sa ika-60 anibersaryo ng Social Security System (SSS) sa Quezon City kahapon, binalaan ni Duterte ang mga nasa likod ng EJKs na may kalalagyan ang mga ito. 

“But itong droga will stay. I would like to tell you, that if I do not act decisively, sa ‘yung ano nila na the attacks about extrajudicial killing, of course, we do not like it…and if you are into it, I’ll see to it you go to jail. Baka ako pa ang babaril sa’yo,” pagdidiin ni Duterte. 


Iginiit ni Duterte na kailangan nitong resolbahin ang problema ng ilegal na droga dahil kapag hindi ay malalagay sa alanganin ang susunod na henerasyon. 

“Pero if I do not control drugs, I will, you know, put the next generation into a jeopardy,” ani Duterte. 

Naglabas din ng himutok si Duterte dahil ang inaasahan nitong tutulong sa kanya para masugpo ang illegal drug problem ay sila pang pasimuno sa kalokohan. “…when I became President, got hold of the all available data that may mga generals who were into it. Ang inasahan kong ahensya na tutulong sa akin in controlling the import of drugs, isa rin palang pumupuslit ng droga. So, on that score, I admit, it might have been due to a shortcoming of my projection. But I never thought that I had to deal with officials and corrupt agencies and never knew really the dimension or extent I would be facing,” salaysay nito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento