Trillanes to Duterte: ”Magpatingin kana sa isang psychiatrist!

Hindi na pinatulan pa ni Senator Antonio Trillanes IV ang naging hamon na duwelo ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ayon sa Senador, nagpapakita na tila bumibigay na ang kaniyang pag-iisip. Dagdag pa nito na nababahala siya sa psychological capacity ng pangulo na mamuno ng bansa at nangangailangan ng isang psychiatrist.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa isang talumpati sa Digos City ”na duwag ito… Payo pa niya sa mga pulis at sundalo, sakaling bastusin sila ng senador sa Senate hearing, hamunin ito ng barilan. “‘Yang style ni Trillanes, ‘wag kayong pumayag. ‘Pag ganun, tindigan ninyo. P******** ka lumabas ka diyan. Draw tayo. Hambugero [Mayabang]. Talawan man na! [Duwag naman ‘yan!],”  ani Duterte.  


Ayon kay Trillanes, ang ganitong pahayag ng pangulo ay palatandaang walang sapat na kapasidad sa pag-iisip si Duterte upang mamuno. 

Hiniling din niya sa Presidential Security Group (PSG) na ilayo sa pangulo ang baril nito bago pa makasakit sa iba o ang kaniyang sarili.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento