Matapos na magkasagutan na nauwi pa sa ethics complaint, hindi pa rin tinantanan ni Senador Antonio Trillanes na pitikin si Senador Richard Gordon sa pagsasabing nerbiyoso at nanginginig umano ito nang makaharap lang ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na tinukoy dito ni Trillanes ay ang pagharap ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa nakalusot na shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC).
Si Duterte at bayaw nitong si Mans Carpio ay nadawit sa sinasabing Davao group na isa sa mga nagpapalusot ng kargamento sa BOC.

Ayon kay Trillanes, nakikita naman sa pagdinig kung paano natameme si Gordon at takot na takot na tanungin si Duterte habang ang ibang resource persons ay binubulyawan nito.
“Itong si Senador Gordon kung bulwayan yung ibang mga resources persons ganun-ganun nalang, pero tikom yung bibig kay Paolo Duterte, dun makikita wala pala itong mga ito. Para naman silang mga nerbiyoso, anak lang ng Presidente, nanginginig na, di matanong,” ayon kay Trillanes.
0 Mga Komento