Tahasang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na isusunod na ang pagpulbos sa New People’s Army (NPA) sa oras umanong matapos ang krisis sa Marawi City.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang muling pagbisita sa tropa ng pamahalaan sa Marawi na lumalaban sa ISIS-Maute terror group. Pero nilinaw naman ni Pangulong Duterte na pokus muna ang gobyerno sa problema sa Marawi bago ang isyu ng mga makakaliwang grupo.
Ayon sa Pangulong Duterte, nais nitong makapagbakasyon muna at makapagpahinga ang tropa ng gobyerno sa oras na matapos na ang bakabakan laban sa mga Maute na ngayon ay sinasabing nasa “final battle stage” na.

Una nang inianunsyo ng pangulo na ayaw na nitong makipag-usap sa mga komunista dahil sa ginagawang pag-atake sa kabila ng ginagawang peace talks.
0 Mga Komento