Dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpuna ng ilang Muslim sa pagpasok nito at ng kanyang mga kasamahan sa loob ng Grand Muslim Mosque sa Marawi City nang nakasapatos.
Bukod sa pangulo, binatikos rin ng ilang Muslim ang pagsama ni Assistant Secretary Mocha Uson sa grupo ng pangulo at pagpasok sa grand mosque nang walang suot na hijab.
Paliwanag ng pangulo nang dumalaw ito sa burol ng dalawang nasawing sundalo sa Marawi, batid niya ang kagawian ng mga Muslim sa pagpasok sa mga mosque.

Gayunman, sa kanilang pagbisita aniya sa Mosque sa Marawi, maraming mga debris at bubog sa sahig kaya’t hindi nila nagawang alisin ang kanilang mga sapatos.
“I respect Islam, it was not meant to disrespect or dishonor, ayoko lang matinik, pati ang lahat.
Pag nasugatan kaming matatanda na ***ina, ang tagal mag-heal.” Paliwanag pa ni Pangulong Duterte.
0 Mga Komento