Robredo deadma sa electoral protest ni Marcos,Nakatutok lang diumano ito sa pagtulong sa Marawi!

Nakatutok umano ngayon si Vice President Leni Robredo sa pagtulong sa rehabilitasyon sa Marawi City at ipinaubaya sa kanyang mga abogado ang electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa panayam ng isang radio station Sinabi ni Atty. Maria Bernadette Sardillo, legal counsel ng bise presidente, simula pa lamang ipinaubaya na sa kanila ng Bikolanang opisyal ang naturang kaso habang patuloy ang pagtatrabaho nito bilang ikalawang pangulo ng bansa. 

Aniya, abala ngayon si Vice President Robredo sa pagtulong sa rehabilitasyon sa war torn Marawi gayundin ang kampanya nito sa paglaban sa kahirapan. 


Samantala, tiniyak naman ni Sardillo na nakahanda sila na harapin ang nasabing kaso at mayroon aniya silang sapat na ebidensya hinggil sa sinasabi ng dating senador na nagkaroon nang dayaan sa Vice Presidential race noong nakaraang 2016 elections.

Nagtitiwala rin aniya sila na makikita ng Korte Suprema na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang katotohanan na walang nangyaring dayaan noong nakaraang eleksyon. 

Una rito, sinabi ni Sardillo na ikinatuwa ng bise presidente ang pagbasura ng Supreme Court (SC) sa first cause of action ng electoral protest ni dating Sen. Marcos.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento