Maling bangkay ang pinaglalamayan? Hindi si Reynaldo de Guzman alyas kulot, base sa DNA test – PNP

Maling bangkay ang pinaglalamayan ngayon sa Cainta Rizal ng mga pamilya ni Reynaldo De Guzman ayon sa Philippine National Police (PNP).

 Ayon kay Deputy Director General Fernando Mendez, batay sa DNA test hindi si Kulot ang nakitang bangkay ito ay makaraang lumabas sa isinagawang resulta ng DNA ng PNP. 

Sinabi ng PNP na 99.99{47e4c95680cfa2693b2ea057e1d49de8a9784adc5ecdd3d3a10cec10371d16ef} accurate ang DNA result.
Si De Guzman ang 14-anyos na kasama ni Carl Angelo Arnaiz noong gabi nang mapatay umano ng mga pulis na iniulat na nawawala. 


Sinabi ni Mendez na kinuhanan ng vocal swabbing ang mga magulang ni De Guzman at saka kinumpara sa sample na kinuha sa cadaver. 

Ayon kay Mendez itinuturing nila na missing pa rin si De Guzman at hindi siya ang bankay na pinaglalamayan ngayon ng pamilya, Wala pa ring bagong lead sa kinaroroonan ni De Guzman.

Sa ngayon hindi pa alam ng PNP ang identification ng bangkay na pinaglalamayan ng magulang ni alyas Kulot sa Cainta. 

Ayon sa PNP, bukas sila sa ibang ahensya na nais magsagawa ng sarili nilang DNA tests sa nasabing bangkay at sa pamilya ni alyas Kulot.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento