Isidro Lapeña: ”Ipinagmalaki ko na wala ng ‘tara’ o lagay sa BOC!

Ipinagmalaki ni bagong Customs Commissioner Isidro Lapeña na wala ng ‘tara’ o lagay sa ahensya. 
Unang hinikayat ni Lapeña ang mga importer na iwasang magbigay ng tara para sa kanilang mga kargamento. 

Hihigpitan na rin sa Customs ang pagsala sa mga shipment para matiyak na wala nang makakalusot na kontrabando gaya ng 6.4 billion pesos na droga mula China.

Pero aminado si Lapeña na 70-porsyento ng mga droga sa bansa ang naipapasok sa mga pantalan. 

Dahil dito, i-rereview na ng BOC ang ‘green lane’ kung saan mabilis na nakakalabas ang mga kargamento. 

Una nang binuwag ng opisyal ang Command Center (COMCEN) na siyang nagbibigay ng alerto sa mga kargamento sa ahensya.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento