Lawyer: ”Ang ginawa ni Trillanes ay isang ”Black Propaganda” para pabagsakin ang administrasyong Duterte

”Black propaganda” lang ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagsusumikap nitong maidiin sa kontrobersyal na P6.4 billion na shabu shipment si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ito ang sinabi ng abogado ng presidential son na si Atty. Rainier Madrid sa isang Radio interview.
Giit ni Madrid, posibleng bahagi ito ng kagustuhan ni Trillanes na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Dagdag pa niya, walang kwenta ang mga iprinisintang ebidensya ni Trillanes sa senate hearing kahapon. 
Kinuwestiyon pa ni Madrid ang ­tunay na kasarian ni Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa kagustuhan nitong makita ang tattoo sa likod ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. 


Ibinato ni Atty. Rainier Madrid ang katanungang ito dahil sa pagpupumilit ni Trillanes na makita ang likod ng vice mayor dahil sa hinala nitong may tattoo ito ng dragon na indikasyon na miyembro ito ng triad. 

“If he’s gay probably he said ‘attorney I want to show you, I want to see yours. Then I would have probably show it myself but it’s against my professional duty to let my client exposed under such silly­ circumstances,” ani Atty.Madrid 

Aminado naman si Trillanes na talagang puntirya niya si Pangulong Duterte.
Aniya, malakas ang hawak niyang ebidensya na talagang may koneksyon sa mga drug lord ang pamilya Duterte.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento