Tahasang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na tuloy pa rin ang corruption sa Bureau of Customs (BOC) kahit tinanggal na si Commissioner Nicanor Faeldon at pinalitan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña bilang bagong pinuno ng BOC. “Si Director Lapeña wala naman siyang extra-ordinary na ginawa sa PDEA so expect the same sa Customs, walang drastic na mangyayari diyan. The smuggling, corruption there will continue,” patutsada ni Trillanes. “Remember galing din ng Davao iyang si Director Lapeña kaya I don’t h…
Pinangalanan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, si Pampi Lacson, anak ni Senator Panfilo Lacson na sangkot sa smuggling. Sa pagharap sa media, sinabi ni Faeldon na noong July 2016, o ilang araw matapos siyang maupo sa pwesto bilang customs commissioner, may natuklasan siyang mga anomalous shipments. Ang kumpanyang ‘Buon Giorno’ umano ang nasa likod ng shipments ng aabot sa 67 barko na lulan ang mga semento. At ayon kay Faeldon, si Pampi Lacson ang nagmamay-ari ng nasabing kumpanya. Umaabot umano sa P4.6 billion ang hal…
Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya pupunta sa burol ng Grade 11 na si Kian Loyd delos Santos, sa pagsasabing sapat na ang pagpapaabot niya ng pakikiramay sa pamilya nito. Tinanong ako ng media if I will go to the wake. I have expressed my condolences. Kung tanggapin ng pamilya, good. Kung hindi nila tanggapin, fine with me,” wika ni Pangulong Duterte sa isang dinner na inihanda sa Philippine Air Force (PAF) Dragon Boat Team nitong Martes. Idinagdag ni Duterte na hindi siya pupunta sa burol dahil sa patuloy ang isinasagawang imbest…
Pinayuhan ni Senator Panfilo Lacson ang anak niyang si Pampi Lacson na harapin ang mga alegasyon sa kaniya ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon hinggil sa pagkakasangkot umano sa smuggling. Ayon kay Lacson, bagaman tiniyak sa kaniya ni Pampi na wala siyang itinatagong kahit na ano, pinapayuhan niya itong harapin ang alegasyon. “My son (Pampi) assured me that he is not hiding anything. I can only advise him. Face this head on,” ani Lacson sa pagharap nito sa mga mamamahayag. Nagtataka din si Lacson kung bakit ngayon lang ito ib…
Hiniling ni Sen. Leila de Lima sa Supreme Court (SC) na makadalo sa isasagawang imbestigasyon ng Senado sa Huwebes kaugnay ng pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos sa Caloocan City. Naghain ng urgent motion ang senador sa high court kasabay ng weekly en banc session. Nakasaad sa mosyon ng senadora na ang kanyang partisipasyon sa pagdinig ay “consistent” sa kanyang mandato bilang isang senador. Iginiit nito na ang kanyang leave gaya ng iba pang nakakulong na senador ay fair at reasonable dahil hindi lamang layon ng pagdalo ni…
Hindi apektado si Chief Justice Sereno sa mga naging pasaring ni Pangulong Duterte sa isang talumpati nito sa Malacañang ukol sa isang opisyal ng pamahalaan na nabubuhay umano ng marangya. Sa pahayag ng punong mahistrado sa isang event na inorganisa ng University of San Carlos at ng Supreme Court, sinabi ni Sereno na hindi siya apektado dahil hindi naman nagbanggit ang pangulo ng pangalan. Wala anyang epekto sa propesyonal at personal na buhay ni Sereno ang mga patutsada ng Pangulo at iginiit na wala siyang ginagawang masama at malinis a…
Personal na humarap ang negosyanteng si Peter Lim sa Department of Justice (DOJ) para isumite ang kaniyang tugon sa kasong kinasasangkutan niya na may kinalaman sa iligal na droga. Matatandaang kinasuhan si Lim dahil siya umano ang supplier ng iligal na droga ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa. Kasama ni Lim na tumungo sa DOJ ang kaniyang mga abogado para pagtibayin ang kaniyang kontra-salaysay, kung saan itinanggi niya ang akusasyon sa kaniya ng pulisya. Hindi sana personal na susulpot kahapon si Lim sa DOJ dahil sa mga kadah…
Social Plugin