Hiniling ni Sen. Leila de Lima sa Supreme Court (SC) na makadalo sa isasagawang imbestigasyon ng Senado sa Huwebes kaugnay ng pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos sa Caloocan City.
Naghain ng urgent motion ang senador sa high court kasabay ng weekly en banc session. Nakasaad sa mosyon ng senadora na ang kanyang partisipasyon sa pagdinig ay “consistent” sa kanyang mandato bilang isang senador.
Iginiit nito na ang kanyang leave gaya ng iba pang nakakulong na senador ay fair at reasonable dahil hindi lamang layon ng pagdalo nito sa pagdinig ay para sa kanyang sariling interes kundi para rin ito sa public purpose.
Dagdag pa ng senador na hindi rin ito flight risk at pinagbigyan naman umano ng SC ang hirit ng ilang akusado sa ibang kaso para ipagdiwang ang kanilang kaarawan, ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.
Umaasa itong pagbibigyan ng SC ang kanyang hirit para magampanan niya ang kanyang tungkulin bilabg isang mambabatas.
“Petitioner De Lima’s present request for legislative furlough is no less significant than the instances provided above as it is for an official function, for a public purpose, for the limited purpose of attending the hearings into the death of Kian Loyd Delos Santos, and once granted, it shall allow her to perform her duties as a member of a co-equal branch.
Granting her leave like the others is fair and reasonable, considering that the purpose of the furlough is not only for private reasons, but for a specific public purpose, the urgency and gravity of which cannot be overemphasized as it involves the life and death of people,” base sa mosyon.
0 Mga Komento