Pinayuhan ni Senator Panfilo Lacson ang anak niyang si Pampi Lacson na harapin ang mga alegasyon sa kaniya ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon hinggil sa pagkakasangkot umano sa smuggling.
Ayon kay Lacson, bagaman tiniyak sa kaniya ni Pampi na wala siyang itinatagong kahit na ano, pinapayuhan niya itong harapin ang alegasyon.
“My son (Pampi) assured me that he is not hiding anything. I can only advise him. Face this head on,” ani Lacson sa pagharap nito sa mga mamamahayag.
Nagtataka din si Lacson kung bakit ngayon lang ito ibinubunyag ni Faeldon, isang araw matapos ang privilege speech ng senador kung saan niya pinangalanan ang mga tumatanggap ng tara sa ahensya.
Sinabi ni Lacson na kung totoong sangkot ang anak niya sa smuggling, dapat ay nanahimik na lang siya at hindi na ibinunyag pa ang suhulan sa Customs.
Kwento ng senador, sa kaniyang pagkaka-alam, may business partners si Pampi nan ang-aangkat ng semento.
Hindi rin umano ito direktang nakikipag-deal sa Customs, pero tatanungin pa rin niya ito sa alegasyon ni Faeldon na nagpadala ito ng pera sa ahensya.
Tiniyak din ni Lacson na kung mapapatunayan na may katiwalian na ginagawa si Pampi ay siya mismo ang kakastigo dito.
Sa pasaring naman ni Faeldon na baka sangkot din ang senador sa smuggling, sinabi ni Lacson na isinusumpa niya sa puntod ng kaniyang magulang na hindi siya kailanman nasangkot sa smuggling.
May buwelta naman si Sen. Ping Lacson sa akusasyon ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na dawit sa smuggling ang kanyang anak.
video courtesy news 5
0 Mga Komento