Duterte dedma lang kung hindi tanggapin ang kanyang pakikiramay sa pagkamatay ni Kian!

Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya pupunta sa burol ng Grade 11 na si Kian Loyd delos Santos, sa pagsasabing sapat na ang pagpapaabot niya ng pakikiramay sa pamilya nito. 

Tinanong ako ng media if I will go to the wake. I have expressed my condolences. Kung tanggapin ng pamilya, good. Kung hindi nila tanggapin, fine with me,” wika ni Pangulong Duterte sa isang dinner na inihanda sa Philippine Air Force (PAF) Dragon Boat Team nitong Martes.

Idinagdag ni Duterte na hindi siya pupunta sa burol dahil sa patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni Kian. 

“The thing is, I will not go there. Because even if it is true, it is under investigation. ‘Pag pumunta ako doon, it… The perception of the public is: ‘Baka totoo talaga ‘yan kasi pumunta nga doon si Presidente, naghingi ng patawad.’ Ayoko ‘yung ganon. Because I go there, I put down the police,” ayon pa kay Duterte. 

Kung pupunta umano siya sa burol, ang magiging impresyon ng publiko ay pinaniniwalaan niya ang alegasyon laban sa tatlong pulis na nakabaril kay Kian. 

“Because even if it is true — it is under investigation — kapag pumunta ako doon, the perception of the public is baka totoo talaga iyan,” katuwiran ng Pangulo. 

Marami nang persona­lidad ang dumalaw sa burol ni Kian, kabilang na si Vice-President Leni Robredo na bumisita noong Linggo ng umaga.

Napatay si Kian matapos ang isinagawang operasyon ng pulis sa Caloocan City noong isang linggo. “Whether it is true or not, that’s not the point. 

The point is, there is an investigation conducted by the NBI. So pagdating ng panahon na talagang totoo, wala tayong magawa. They’ll have to face the consequences,” ayon pa kay Duterte.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento