Tahasang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na tuloy pa rin ang corruption sa Bureau of Customs (BOC) kahit tinanggal na si Commissioner Nicanor Faeldon at pinalitan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña bilang bagong pinuno ng BOC.
“Si Director Lapeña wala naman siyang extra-ordinary na ginawa sa PDEA so expect the same sa Customs, walang drastic na mangyayari diyan.
The smuggling, corruption there will continue,” patutsada ni Trillanes. “Remember galing din ng Davao iyang si Director Lapeña kaya I don’t have any expectations about the new Customs commissioner,” dagdag pa ng senador.
Naniniwala pa ang opposition senator na napuwersa lamang si Pangulong Duterte na tanggalin si Faeldon dahil kaliwa’t kanang batikos na ang inaabot nila sa publiko ang isa ay ang paglusot ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa BOC kung saan nakaladkad si presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at ang pagkamatay ng 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos sa kamay ng Caloocan City police.
“Matagal silang nanahimik. Noong pumutok ‘yung kay Kian naramdaman nila ‘yung galit ng tao so they needed to come up with new gimmicks to appease the people.
Lahat ito pa-consuelo de bobo na lang ito eh,” ani Trillanes
0 Mga Komento