Muling nagkagirian ang kampo ni Sen.Antonio Trillanes IV at BOC Commissoner Nicanor Faeldon sa pagdinig ng Senado sa kapalpakan at korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) dahilan para makalusot ang P6.4-B shabu shipment mula China.
Kinuwestiyon ni Sen. Trillanes IV si Customs Comm. Faeldon kung may korapsyon sa BOC.
Ilang beses tumangging sumagot si Faeldon sa tanong ni Sen. Trillanes. Wala na raw kasing saysay na magpaliwanag pa gayong ang dami nang ibinintang ni Sen. Trillanes sa kanya.
Sen. Trillanes to Faeldon: “Alam mo silence means yes.” Faeldon to Gordon: “If you would allow me your honor, he (Trillanes) already made allegations that I’m at the center of the shabu smuggling, it is really baseless for me to answer his questions”
Tinabla naman ito ni Sen. Trillanes at sinabing mali ng intindi ni Faeldon sa mga naging pahayag niya. Sen. Trillanes: “Faeldon failed to read properly what I said, I said he was at the heart of the controversy” Nagmatigas si Faeldon kaya nagbanta na si Sen. Trillanes.
Sen. Trillanes: “During the campaign ikaw ‘yung nagbibida-bida ng allegations, tinatanong kita kung may corruption sa BOC, sumagot ka or else I will move to cite you in contempt.” Namagitan na si Sen. Gordon sa dalawa at nakiusap kay Faeldon na sagutin ang tanong ni Sen. Trillanes.
Pinayuhan niya rin ang dalawa na huwag idamay ang Senate hearing sa kanilang personal na away.
Sen. Gordon: “There may be something between you ni Sen. Trillanes at kung kayo’y may alitan ‘wag niyo dalhin dito. Nakikiusap ako sa’yo (Faeldon) sagutin mo, I will be patient, I promise not to raise my voice today”
Bukas daw si Faeldon na sagutin ang tanong ng sinuman sa Senado maliban kay Sen. Trillanes.
Ayaw daw niyang patulan ang mga alegasyon nito lalo na’t marami nang nadamay dahil sa anomalya sa BOC. Faeldon:
“There are so many innocent families who have been affected by this controversy.” Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdinig ng Senado sa isyu.
0 Mga Komento