Trillanes Bumwelta kay Paolo Duterte: ”Bastos yung tatay malamang bastos din yung anak!

Matapos ang post sa social media ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, agad bumwelta si Senador Antonio Trillanes IV na tinawag siyang “Senator Ugok”.


Ayon kay Trillanes, hindi na niya papatulan ang ginawang pagtawag sa kaniya ng bise alkalde na ugok.

Kasabay ng larawan na nakapost sa Facebook account ng lokal na opisyal na nagpapakita sa ilang miyembro ng Liberal Party na kasama ang negosyanteng si Kenneth Dong, na nadadawit sa P6.4-bilyong shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs at kinalaunan ay nasabat sa isang bodega sa Valenzuela noong Mayo.

Ayon pa sa post na dapat unahin ni Trillanes ang kanyang trabaho bilang isang Senador na nagpapakain dahil sa ibinoto siya,hindi ang pansariling interest ng Senador.

Sinabi rin ni Paolo na baka daw nakalimutan nang Senador na inumin ang gamot kaya ngayon ay pumuputak na naman.

“Yung medyo kabastusan portion o yung tema ng kaniyang mensahe, hindi ko na papatulan ‘yan. Pero it reflects na ito ay hindi pinalaki nang maayos ng kaniyang magulang,” pahayag ni Trillanes.

“At hindi rin ako nagugulat kasi kung bastos yung tatay, malamang bastos din yung anak,” dagdag nito.


Sabi pa ni Trillanes, may malalim na anggulo syang tinitingnan kaugnay sa umano’y kaugnayan ni Vice Mayor Paolo sa 6.4 billion pesos na shabu galing sa China na nakalusot sa Bureau of Customs. 

Ayon kay Trillanes, dapat paghandaan ni Vice Mayor Duterte kung paano haharapin ang nasabing kontrobersya.

Umaasa si Trillanes na darating din ang oportunidad na papaharapin si Vice Mayor Paolo sa pagdinig ng Senado.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento