Faeldon kasama sa listahan ni Lacson na tumatanggap ng suhol sa BOC

Mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na diumano’y tumatanggap ng suhol ay nasa rank posisyon din katulad ni Commissioner Chief Nicanor Faeldon, ayon kay Senador Panfilo Lacson. 

“As high as Faeldon meron doon. May pangalan siya roon, pati pangalan ng bagman niya naroon din,” Lacson said.


Ipinahayag ni Lacson isang araw bago muling ipagpatuloy ng Komite sa Senade Blue Ribbon ang pagdinig nito sa P6.4 bilyon na shipment ng shabu mula sa China sa bansa. 


Inaasahan na dadalo si Faeldon pagkatapos niyang hindi makasipot sa ilang pagdinig dahil sa sakit ng dibdib at mataas na presyon ng dugo. 


“Kaya tatanungin ko rin kung nariyan siya kung kilala niya ang mga tao at anong pagkakilala niya, ang circumstances ng pagkakilala,” dagdag ni Lacson. 


Sa tanong ng Saan galing ang kanyang inpormasyon, sabi ni Lacson “May nagbigay sa akin. Tatanungin lang natin.”


Samantala nang tanungin naman kung kasama ang pangalan ni Davao Vice Mayor­ Paolo Duterte sa hawak niyang listahan, tugon ni Lacson, 

“Walang pangalan si Paolo roon definitely.” Bukas naman si Lacson sa posibilidad na imbitahan si Paolo sa pagdinig ng Senado ngunit paglilinaw nito, sa ngayon ay wala naman siyang nakitang basehan para imbitahan ito.

“Open lang pero walang basis as of now. Kung nagkaroon ng basis why not? Wala namang exempted eh,” dagdag ni Lacson.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento