Listahan ng mga sangkot sa corruption sa BOC hawak ni Lacson!

Hawak na ni Senador Panfilo Lacson ang lista­han ng umano’y mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na tumatanggap ng lagay maging ang kanilang mga bagmen. 

Ayon kay Lacson, mas mahaba pa ang hawak niyang listahan kaysa sa listahan na unang isiniwalat ng custom broker na si Mark Taguba. 

Sa hawak na listahan ni Lacson, may mga pa­ngalan umano na wala sa listahan ni Taguba kabilang na ang mga bagmen ng BOC officials.

“May nagkakapareho pero may wala sa kanya na naroon sa list. Pati mga bagmen naroon,”
ayon kay Lacson kasabay nang pagsasabing isa ito sa kanyang hahalungkatin sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayon ng Senado ukol sa kontrobersiya. 

Nang tanungin naman kung kasama ang pangalan ni Davao Vice Mayor­ Paolo Duterte sa hawak niyang listahan, tugon ni Lacson, 

“Walang pangalan si Paolo roon definitely.” Bukas naman si Lacson sa posibilidad na imbitahan si Paolo sa pagdinig ng Senado ngunit paglilinaw nito, sa ngayon ay wala naman siyang nakitang basehan para imbitahan ito.

“Open lang pero walang basis as of now. Kung nagkaroon ng basis why not? Wala namang exempted eh,” dagdag ni Lacson.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento