“Piso Para sa Laban ni Leni” P7 million na,P400,000 kulang para mabuo.

Inanunsyo ng mga supporters ni VP Leni Robredo na pumalo na sa P7 million ang nakolekta ng grupo. 

Ito ay sa kabila ng pagbasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa kanilang petisyon na ibabayad ang malilikom na halaga ay patuloy ang pagbuhos ng suporta sa bise presidente. 

Simula nang ilunsad ang kampanya pitong linggo na ang nakakaraan para tulungan si Vice President Leni Robredo sa kanyang gastusin sa kinakaharap nitong election protest na isinampa ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na kanyang tinalo noong nakaraang vice presidential election.

Kulang na lamang ng P400,000 para mabuo ang P7.4 million na kulang ni Robredo na ipinadedeposito sa kanya ng PET dahil sa kanyang counter-protest laban kay Marcos.

Pinangunahan ng tinatawag na ‘Formidable 6’ ang “Piso Para sa Laban ni Leni” na sina Museo Pambata founder Cristina Lim-Yuson, dating Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Zorayda Amelia Alonzo, dating human rights commissioner Paulynn Sicam, singer Celeste Legaspi-Gallardo, Ateneo de Manila University Press director Karina Bolasco, at dating social welfare secretary Corazon Soliman.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento