Trillanes pilit idiniin si Vice Mayor Paolo Duterte ;Taguba klinaro na “hearsay” lang!

Pilit na idiniin o isinangkot ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao Vice Mayor Paolo Duterte sa isyu ng smuggling ng droga sa bansa.

Paulit-ulit niyang itinanong kay Mark Taguba ang tungkol sa isyung ito pero klinaro ni Taguba na “hearsay” lang daw ang pagkakadawit ni Vice Mayor Duterte sa tinaguriang Davao Group na kumukolekta rin ng “tara” sa customs operation.

Ayon kay Taguba, isang miyembro daw kasi ng Davao group na si alyas “Small” ang nagsasabi na malakas sila kay Vice Mayor at inisip na lang daw niya na si Paolo Duterte ang tinutukoy na vice mayor.

Hindi na raw niya ito bineripika dahil ang mahalaga ay mailabas ang mga shipment na pinapabroke sa kanya.

Sumunod namang tinanong ni Sen. Trillanes si Kenneth Dong kung magkaibigan ba sila ni Vice Mayor Paolo Duterte.

Sagot naman ni Dong, “acquaintance” lang sila ng bise. Pero, sa mga ipinalabas na litrato ni Trillanes, tila lumalabas daw na close o malapit sila ni Paolo Duterte.

Tinanong din ni Sen. Trillanes si BOC Deputy Commissioner Gerardo Gambala kung may naririnig ba syang kwento kaugnay sa umano’y pakikialam ni Vice Mayor Paolo Duterte sa mga transakyon sa BOC.

Sagot naman ni Gambala, wala raw siyang naririnig na pangalan pero naririnig niya ang tungkol sa Davao Group.


So what can you say about this one?Let us know your thoughts in the comment section below,and dont forget to share,Just visit our website for more latest happening.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento