Pacquiao in 2022 Presidential Election?

Mariing itinanggi ni Sen. Manny Pacquiao na tatakbo siya sa pagkapangulo sa taong 2022.

“Wala pa sa isip ko `yan,” giit pa ni Pacquiao nang hingan ng reaksyon nitong Martes kaugnay sa sinabi ng kanyang trainer na si Freddie Roach.

Matandaang nagbigay ng pahayag si Roach na nais ni Senator Manny Pacquiao na tumakbo sa pagkapangulo sa taong 2022.

At upang maisakatuparan ito, kailangan umano ni Pacquiao na lumaban pa sa boxing para mapanatili ang popularidad nito.

Ibinu­king ni Roach na kung siya ang masusunod, nanaisin niya na magkaroon ng rematch si Pacquiao kay Jeff Horn ng Australia bago ito magretiro, manalo o matalo man sa naturang laban.

“I would like to see Manny retire after the rematch with Horn. But I have no control over that. I just think it’s very difficult at that age to get into the ring and face Terence Crawford and talented youngsters like that,” ayon kay Roach.

Subalit dahil sa hangarin ni Pacquiao na maging presidente ng Pilipinas, sinabi ni Roach na kailangan ng natatanging 8-division world champion na sumabak sa boksing upang mapanatili ang “popularity level” nito.

“But he wants to be president (of the Philippines) and the elections are in four years. So maybe you’ll need to continue boxing to maintain your popularity level,” ani Roach.

Nang hingan naman si Paquiao ng reaksyon ukol dito ay sinabing niyang “Walang ganyang plano,”


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento