Nasa kustodiya at proteksyon na ng isang senador ang mga testigo sa pagpatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos bunga ng mga natatanggap nilang banta sa kanilang buhay.
“My office took custody of the witnesses and began ensuring their safety.
Another institution is also helping,” ayon sa inilabas na statement ni Sen. Risa Hontiveros nitong Linggo.
“The protection provided to the family will be extended to the key witnesses who will help in bringing to justice the perpetrators of the extrajudicial killing of Kian Loyd delos Santos,” dagdag ni Hontiveros.
Nitong Sabado ay binisita ng senadora ang lamay ni Kian kung saan nanindigan ang ama na ipaglalaban niya na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.
source
0 Mga Komento