Kung sinong pinakamaraming pinatay sa magdamag, may naghihintay na parangal sa Malacañang,” -De lima

Kung dati ay tingi-tingi, naging pakyawan na ba ang kontrata ng Philippine National Police (PNP) sa paglikida sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga? Ito ang tanong ni Sen. Leila de Lima sa PNP matapos makapatay ang pulisya ng 32 katao sa Bulacan, 25 sa Maynila, 24 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area sa loob lamang ng apat na araw. 

Matatandaang minsan nang lumabas ang ulat na binabayaran ang mga pulis sa bawat mapapatay na drug suspect kung saan ang bayad ay nakadepende sa status ng mapapatay – mula pusher hanggang drug lord. 

Ngunit sa dose-dosenang kataong napatay sa anti-illegal drugs operations, ang tanong ngayon ng senadora ay kung nagbago na ang kontrata. 

“Sa ‘One Time Big Time’ na operasyon ng kapulisan, tila naging pakyawan ang bayad sa mga berdugo. 
Parang may kompetisyon sa mga istasyon ng kapulisan: Kung sinong pinakamaraming pinatay sa magdamag, may naghihintay na parangal sa Malacañang,” ani De Lima. 

Duda naman ang senadora kung mabibigyan ng parangal o insentibo ang mga pulis na nakapatay sa 17-anyos na estudyante sa Caloocan City. 

“Kabilang sa mga pinaslang si Kian Loyd delos Santos. Nanlaban daw si Kian. Nagpaputok ng baril kaya tinuluyan. Pero ang nakita sa CCTV camera, kinaladkad muna ang bata ng mga pulis bago paslangin,” ani De Lima.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento