Dapat Magalit Ang Tao -VP Robredo sa isyu ng biglaang pagtaas ng bilang na napapatay.


Muling nanindigan si Vice Pres. Leni Robredo na dapat itaguyod ang “rule of law” sa bansa sa mga anti-drug operations.

Ayon sa Bise, dapat daw ilabas ng taumbayan ang kanilang galit kaugnay sa paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas. 

Hindi raw dapat kalimutan ng mga Pinoy ang kahalagahan ng due process.

”Ito ay isang bagay na kailangan mag-express tayo ng outrage.Hindi naman tayo ganyan eh,hindi tayo ito yung culture of impunity matagal na nating isinikwal dito sa ating bansa.Sana hindi na nating payagang makabalik pa.”

Ipinahayag ni Robredo ang kanyang galit sa mga operasyon ng pulisya sa Bulacan kung saan 32 suspek ang napatay, at sa Maynila kung saan 26 naman ang napatay sa magdamag. 

Hinimok din ni Robredo ang publiko na kundenahin ang naturang insidente. 

Bukod kay Robredo, inalmahan din ng International human rights group na Amnesty International (AI) ang pagpatay sa higit 30 drug suspects sa iba’t ibang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Bulacan. 

Mas lalo raw lumalim ang paggiging “barbaric” ng kampanya kontra iligal na droga ni Pres. Rodrigo Duterte. 

Nakalulungkot daw isipin na nangyari ang patayan sa Bulacan na isang mahirap na komunidad. 

Nakakabahala rin daw ang sinabi ni Pres. Duterte na hindi pa rin niya kontrolado ang problema ng bansa sa iligal na droga.

Nangangahulugan daw ito na posibleng lumala pa ang patayan sa Pilipinas.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento