Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito tatantanan ang pagdurog sa apparatus at mga sindikato na pasimuno ng pagkalat ng ilegal na droga. “Hindi ko hintuan ‘to.
That’s why my order to the police and to the human rights, if you are listening…stupid. I said to the police and the military, destroy the apparatus, the organization of drug syndicates,” sabi ni Duterte sa pagbisita sa Ozamiz City kahapon.
Binanggit din nitong halimbawa ang pamamayagpag at ang naging pagbagsak ng mga Parojinog sa Ozamiz.
“Tingnan mo, narco-politics. Tingnan mo kung anong magawa ng isang pamilya, hinawakan niya ang isang siyudad. Ang mga tao dito, ‘yung nakatikim sa kanyang patronage, pulitika, trabaho, ‘yan, paiyak-iyak kayo.
Sumunod kayo at kayong isusunod ko,” salaysay ni Duterte. “…and I will not hesitate… Kung may mamatay? Sorry. Collateral damage ka,” dagdag nito.
Samantala inihayag ni Ozamiz city Police Chief Insp. Jovie Espenido na pinaghahandaan na nila ang pagresbak ng pamilya Parojinog kasunod ng madugong raid sa mga ito.
Ayon kay Espenido, inaasahan na nila ang paghihiganti ng mga ito matapos ang pagkamatay ng kanilang ama na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Giit ng hepe, mayroon kasing pangyayari nuon kung saan mayroong mga pulis na pinatay ang mga Parojinog bilang pagresbak sa ilang police operations laban sa pamilya.
Sa ngayon, mas mabuti pa nga raw kung balikan sila ng mga criminal groups ng Parojinog.
Sa ganitong paraan daw kasi ay makikita na wala talagang kinatatakutan ang ating mga pulis.
0 Mga Komento