Bumuwelta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panibagong tirada sa kanila ni Pres. Rodrigo Duterte kahapon,ito ay sa naging pahayag ng pangulo na babarilin daw ang mga human rights advocates sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ng CHR na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho na nakasulat sa konstitusyon.
Tungkulin din nila protektahan ang lahat ng Pilipino, mapa-suspek man o biktima.
”The Commision wishes to reiterate that is merely doing its constitutional duty and its remains hopeful that the Government recognize the guarantee of equal protection of the law as well as fair and impartial trial including investigation is a constitutional rights available to every single Filipino” Commission on Human Rights spokesperson Atty. Jacqueline Guia.
Matatandaan na sinabi ni Pres. Duterte kahapon na gusto niyang imbestigahan ang CHR.
Tila pinagbantaan din ni Duterte ang mga human rights advocate na makikialam daw sa operasyon ng PNP.
Samantala pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikinasang anti-drug operations ng Philippine National Police (PNP) sa Bulacan kung saan umabot sa 32 kataong sangkot diumano sa kalakaran ng iligal na droga ang tumimbuwang sa loob lamang ng 24-oras.
0 Mga Komento