Hinamon ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang publiko na huwag i-asa o humanap ng bayani na tatayo para sa maraming Pilipino.
Ito ay bunsod na rin ng maraming pagsubok na kinakaharap ng bansa lalo na sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Alejano, ngayong Araw ng mga Bayani, hindi dapat balewalain ang sakripisyo, kamatayan, at kabayanihan ng mga bayaning ninuno sa bansa.
Ang kalayaan ngayon ay hindi matatamasa kung hindi dahil sa kanilang pakikipaglaban.
Pero sa panahon ngayon, dapat na magsilbing inspirasyon ang mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa susunod pang henerasyon.
Ngayon naman na ang bansa ay nahaharap sa maraming hamon at isyu, hinikayat ni Alejano ang mga Pilipino na tumayo at maging bayani para sa sariling bansa.
Dagdag pa nito, ang pagiging bayani ay makikita sa sarili na maaaring simulan sa pamilya, kaibigan at sa kapwa Pilipinong nangangailangan ng tulong.
0 Mga Komento