Lacson tiwala kay Espinedo na gawin ang tama sa kanyang paglilipatan dahil nakatrabaho na niya ito!


Kumpyansa si Sen. Panfilo Lacson na alam ni Chief Insp. Jovie Espenido ang dapat niyang gawin matapos siyang italaga sa Iloilo City.

Ayon kay Lacson, sa kabila ng mga nakalilitong marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte, hawak ni Espenido ang responsibilidad para pairalin ang batas at sundin ang rules of engagement sa lugar kung saan siya madedestino.

Dahil nakatrabaho niya noon si Espenido, malaki ang tiwala ni Lacson na matuwid na pulis ang bagong hepe ng Iloilo.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Espenido sa Iloilo City na una na niyang itinuring na “Visayas drug bedrock.”
Samantala binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na putulin na ang mga koneksyon niya sa iligal na droga. 

Ayon kay Duterte, mas maiging itigil na ni Mabilog ang pagiging protektor ng drug lord, ngayong wala pang nangyayari.

Matatandaang na sinabi ni Duterte ang Iloilo City ay isa sa ”most shabulized city” sa bansa at kabilang si Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa mga Narcopolitics na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento