“God’s will!” Ito ang pahayag ni Police Chief Inspector Jovie Espenido matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong hepe ng pulisya sa Ilo-Ilo.
Sa panayam kay Espenido, ang mangyayari sa kanyang pamumuno sa Ilo-Ilo police ay God’s will dahil dahil naman sa kanya nakasalalay ang buhay ng mga tao, lalo na ang mga sabit sa ilegal na droga.
Apela naman ni Espenido sa mga dawit sa droga sa Ilo-Ilo gaya ni Mayor Jed Mabilog, itigil na raw ang operasyon ng illegal drugs.
Nang matanong naman kung may mensahe siya kay Mayor Mabilog, ang sagot ni Espenido ay simpleng “regards!”
Pagtitiyak ni Espenido, kanyang gagawin ang lahat ng makakaya para sa bagong assignment.
Samatala dinipensahan naman ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga kay Espenido sa Ilo-Ilo. Sa isang ambush interview sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Duterte na isang ‘dedicated man’ si Espenido at alam nito ang batas.
Mabuti aniyang maipatupad din sa ibang lugar ang mga nagawa ni Espenido upang masawata ng ilegal na droga.
Pero paalala ng presidente kay Espenido, sumunod pa rin sa rules of engagement at tiyaking matutupad ang kailangan sa performance of duty.
Pahayag ni Duterte, si Espenido raw ang humiling na ma-assign sa Ilo-Ilo.
Matatandaan na pinamuan ni Espenido ang hanay ng pulis sa Albuera, Leyte kung saan nasawi ang alkaldeng si Rolando Espinosa, habang nang ma-assign sa Ozamis, nasawi naman si Mayor Reynaldo Parojinog, asawa nito at iba pa.
Sa Ilo-Ilo na susunod na assignment ni Espenido, namayagpag si Mayor Jed Mabilog na sinasabing sangkot din sa operasyon ng droga at kasama sa narcolist ni Duterte.
0 Mga Komento