Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na putulin na ang mga koneksyon niya sa iligal na droga.
Ayon kay Duterte, mas maiging itigil na ni Mabilog ang pagiging protektor ng drug lord, ngayong wala pang nangyayari.
Inulit naman ni Pangulong Duterte na kabilang si Mabilog sa mga pulitikong nasa kaniyang drug list.
Kahapon ay inihayag ni Duterte na pinagbigyan na nito ang kahilingan ni Police Chief Inspector Jovie Espenido na ipuwesto sa Iloilo City.
“Well, I’ll tell you again, Mayor. Dinadawit ka. For the longest time, updated (narco) list, nandiyan ka. Eh sa totoo lang, ngayon pang wala na nangyari, baka gusto mo nang tapusin ang connection mo.
Do not protect, do not call the police, ganito na ganito. Do not just mess up with the… kasi ‘pagka nandiyan, drug lord ka rin eh. mapipilitan ako. Bakit ka nagprotekta? Why the mayors, kayong mga judges, kayong mga prosecutors. Alam ko man hindi lahat. Karamihan, wala. ‘Yung mag-corrupt.
Kaya hindi kayo kontento sa sweldo ninyo, umalis kayo. Mag-drug lord na lang kayo. Bilyon ‘yan. Pero ang kapalit niyan, kamatayan mo. Nagbobolahan pa tayo dito,” pagdidiin ni Duterte sa panayam ng media sa Pampanga kahapon.
Giit ni Duterte, kung poprotektahan ni Mabilog ang mga drug lord ay parang isa na rin siya sa mga ito.
Aniya pa, para sa mga opisyal ng gobyerno na hindi kuntento sa kanilang mga sweldo, mas malaki ang kita sa kalakalan ng iligal na droga.
Gayunman ipinaalala niya na oras na gawin ito ng mga empleyado ng pamahalaan ay kamatayan ang kapalit nito.
0 Mga Komento