Magkakaroon na ng karampatang bayad ang mga casual at contractual na empleyado ng gobyerno na magtatrabaho sa special public at local holiday kapag naisabatas ang panukala sa Senado.
Lusot na sa committee on civil service, government reorganization and professional regulation gayundin sa senate committee on finance ang Senate Bill No. 1561.
Ang nasabing panukala ay inakyat na ni Sen. Antonio Trillanes IV para sa plenary deliberation ng Senado.
Nakapaloob sa Section 1 ng panukala na ‘All contractual and casual government employees shall be entitled to the payment of their corresponding daily wages during special public and local holidays, as may be proclaimed by the President of the Philippines.’
Isinulong ni Trillanes ang panukala dahil sa kasalukuyan, hindi binabayaran ang mga casual at contractual employees ng gobyerno kapag nagtrabaho sa holiday kumpara sa mga regular na empleyado ng gobyerno.
0 Mga Komento