Kumpirmado! Pamilya Marcos handang pabuksan at isauli ang ‘ill-gotten wealth’ at mga gold bars -Duterte

Kinumpirma ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-alok ang pamilya Marcos na buksan at ibalik ang sinasabing nakaw na yaman o “ill-gotten wealth.”

Sinabi ngayong hapon ni Pangulong Duterte sa harap ng mga nanumpang bagong government appointees, lumapit sa kanya ang tagapagsalita ng mga Marcos upang ihayag ang kanilang kahandaang mabusisi ang kanilang mga kayamanan at ibalik maging ang mga “gold bars.” 

Ayon kay Pangulong Duterte, tatanggapin niya ang alok ng mga Marcos maging ang kanilang paliwanag sa nakaw na yaman, totoo man o hindi, basta ang mahalaga ay makinabang dito ang bayan.  

Kaugnay nito, kukuha siya ng isang grupong kinabibilangan ng Certified Public Accounting (CPA), isang retired Supreme Court (SC) chief justice at isa pang representative na katanggap-tanggap sa lahat. 

Bahala na daw sila sa pagsasagawa ng accounting kung magkano ang ibabalik sa gobyerno. 

Ikinagagalak daw ng Pangulo na magkaroon ng deal na naratapat para sa mga Pilipino. “But the Marcoses, I do — I will not name the spokesman. 

Sabi nila na they’ll open everything and probably return ‘yung nakita lang. Sabi nila na, “malaki ang deficit mo sa…” “Maybe this year, ang projected deficit spending would be big,” sabi niya.

Baka makatulong. Pero hindi ito malaki. “But we are ready to open and bring back,” sabi niya, “pati ‘yung a few gold bars.” Hindi ganun kalaki, it’s not a Fort Knox, it’s just a few. But sabi nila, isauli nila para walang ano. 

And the only reason really was sabi nila, that the father was protecting the economy. Now, of course, the eventual kung maalis siya. But he was thought of regaining the Malacañang and that is why ganito ang lumabas. 

Parang naitago. I will accept the explanation, whether or not it is true, wala na eh. And they are ready to return. How much they would give me an accounting? Trying to look for a guy not identified with anybody to handle the negotiation kung gusto nila,” ani Pangulong Duterte.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento