Ama ng Maute brothers,Patay na!

Patay na si Cayamora Maute, ang ama ng Maute brothers na nanguna sa pakikipagbakbakan sa Marawi City. Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Senior Inspector Xavier Solda, isinugod si Cayamora sa Taguig-Pateros District Hospital kaninang alas tres hapon. 

Tumaas daw ang pulso ni Cayamora at nahirapan na raw huminga. Dagdag pa ni Solda, bago pa man daw makulong si Cayamora, mayroon na raw siyang sakit na hypertension, hepatitis at diabetes. Dinala ang bangkay ni Cayamora sa Camp Bagong Diwa para makita ng ibang kamag-anak na nakakulong at saka dinala sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.

“We have yet to receive a formal report that Mr. Cayamora Maute died today. We only learned about it from media. This is an unfortunate incident for his family; but more so to the victims of terrorism in Marawi and their relatives who are awaiting justice and expecting that Mr. Cayamora would answer/atone for his involvement in the Marawi rebellion,” ayon sa pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año. 

Matatandaang naaresto si Cayamora Maute noong Hunyo 6, 2017 nang maharang ang kanyang sinasakyang van sa isang checkpoint sa Davao City.

Makalipas naman ang ilang araw, ang asawa naman niyang si Farhana ay naaresto sa Masiu, Lanao del Sur at kasalukuyan nakapiit din ngayon sa Camp Bagong Diwa.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento