Duterte binanatan ang isang Government official na sobra ang luho pag-nagbiyahe!

Pikon na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang government official na mahilig sa magarbong biyahe. 

Sa pakikipagharap ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng Philippine Air Force Dragon Boat Team sa Malacañang nitong Martes ng gabi, naikuwento ­nito ang isang hindi pinangalananang government official na umaastang hari kapag nasa labas ng bansa.

“May isang opisyal tayo dito sa gobyerno, na tining­nan namin ‘yung travel hindi sa departamento,­ not the Executive department,na kung magsakay ng eroplano, mag-abroad, first-class. 

Tapos ang mga hotel niya, ‘yung mga suite. May isang isang presidential suite pa ang kinuha,” himutok ng Pangulo. 

Tiniyak pa ng Chief Executive na ilalantad din ­niya sa tamang panahon ang pangalan ng lakwatserong government official.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento