Mucha Uson Kinuyog na naman sa Social Media,dahil sa maling post sa Twitter

Muling sinisi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson ang media dahil pinalaki lang daw ng mga ito ang isyu tungkol sa kanyang maling post sa Twitter kagabi (Martes, Agosto 22).

“Ang media may bago nanaman nahanap na pantabon sa issue ni ANDY BAUTISTA. 
Push niyo yan!” sabi ni Uson sa caption niya sa isang post kontra sa isinulat na artikulo ng CNN Philippines.








































Nagtrending sa Twitter kagabi ang #FireMocha. Makikitang galit at hinihiling ng mga netizens na patalsikin na sa puwesto si PCO ASec. Mocha Uson dahil sa isa nanamang pagkakamali sa kanyang post sa social media. 

Nag-ugat ang pagkadismaya ng mga netizens matapos magpost si Uson sa kanyang Twitter account na tinatawagan ang mga taga-oposisyon at si Vice President Leni Robredo na dumalaw o bisitahin ang burol ng isang pulis na napatay sa isang operasyon kaugnay sa war on drugs.

“Calling Leni, Bam, Trillanes at Hontiveros. Kailan niyo dadalawin ito?” ito ang nakasulat sa litrato at may caption na “Waiting.”













Napag-alaman na ang litratong ipinost ni Uson ay screenshot sa isang artikulo ng Inquirer na inilabas noong isang taon pa. 

Ayon pa sa artikulo, ang pulis ay napatay noon pang Agosto 2016. Maraming netizens na ang nakapagscreen-captured ng nasabing post bago pa ma-delete ang orihinal na post. Dito na umani ng batikos si Uson.







































Hindi ito ang unang beses na nagkamali si Uson sa pagpopost sa social media.
Matatandaang noong Mayo, nagkamali rin siya ng pagpopost tungkol sa mga sundalong lumalaban sa Marawi pero ang gamit niyang litrato ay mga pulis na taga-Honduras. 

Depensa naman noon ni Uson, ang litrato raw ay symbolism at bakit masyadong pinapalaki ang isyu.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento