EBIDENSYA VS PAOLO ILABAS NA! Duterte:“I am not defending my son. Prove it, (if) it is true, and I will resign.

Kung may ebidensya laban kay Davao Vice Mayor Paolo Duterte, dapat na itong ilabas para patunayan ang akusasyong sangkot ito sa korapsyon sa Bureau of Customs (BOC). 

Ito ang hamon kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ang pangakong magbibitiw siya kapag napatunayang sangkot sa korap­syon ang kanyang anak. “I am not defending my son. Prove it, (if) it is true, and I will resign. 

Sabi ko nga, anyone ­involved in my family, nasa corruption, bababa ako pagkapresidente. No excuses,­ no apologies, pero ‘yong totoo lang,” pahayag ng Pangulo nang magtalum­pati ito kahapon sa Sto. Tomas, Batangas sa inagurasyon ng First Filipino Solar Factory.

Ikinuwento pa ni Duterte ang kabuhayan ng anak niyang si Paolo na nakapag-asawa ng isang Muslim at naeng­ganyo sa pagtitinda umano ng mga damit at iba pang mga bagay.

“Itong si Pulong (palayaw ni Paolo) ang ­negosyo ng asawa niya eh Muslim vendor iyan eh,” paglalahad ng Pangulo. 
“Kung magtanong lang kayo sa pantalan, palaging nasa pantalan iyan,” paliwanag ni Duterte. 

Si Paolo ay isinabit ng isang Custom broker na siyang namumuno umano ng Davao Group at siyang nagpapalusot ng mga kargamento sa BOC kapalit ng lagay. 

Kaugnay nito, sinabi­ naman ni Presidential Spokesperson Ernesto­ Abella na kailangang maglabas ng ebidensiya si Mark Taguba dahil lala­bas na “hearsay” lang ang akusasyon nito laban kay Paolo.

“Everything has to be vetted even if somebody makes some form of implication. It still has to be vetted, especially the witness. 

Is this a credible witness? There has to be a verifiable evidence, hindi lang basta hearsay,” pahayag ni Abella sa isang ambush interview kahapon. 



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento