WATCH! Sen. Trillanes to Pres Duterte:” Ano bang pinagkakakitaan mo, Mr. Duterte? Mayor ka lang naman ng Davao!

Muling binanatan ni Sen.Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Duterte sa kanyang privilege speech kanina sa Senado, nagtataka diumano si Trillanes kung paanong naging P2.207 billion ang pera ng pangulo. 

Sa speech ni Trillanes, sinabi niyang sa loob nga lang daw ng isang araw, bumili si Duterte ng insurance na nagkakahalaga ng P20 million kada isa para sa kanyang apat na anak. 

Ang kabuuan nito ay P80 million. “Ito ay investment. Hindi ito ‘yung ordinaryong insurance pero actual cash na P20 million each,” sabi ni Trillanes. 

Bukod dito, mayroon din daw 13 beses na pumasok sa bank accounts ni Duterte na higit P50 million kada anim na buwan. 

Mayroon din daw 21 beses pumasok na P40 million hanggang P50 million kada anim na buwan.

“Ngayon, ang highest amount of transaction in a single day dito sa account na ito ay P193 million na nangyari noong October 7, 2013,” ani Trillanes.

Ito raw ang naging kabuuang halaga mula raw September 2006 hanggang December 2015.

Ayon kay Trillanes, hindi raw ito maikukonsiderang campaign funds. Hindi rin daw ito maituturing na mana ng pangulo mula sa kanyang ama. saan daw galing ang pera sa bangko ng Pangulo.

 “ Ang tanong, ano ba ang pinagkakakitaan mo, Mr. Duterte? Mayor ka lang naman ng Davao City ng mga panahong iyan. Wala ka namang mga negosyo so saan galing ‘yang daan-daang milyong piso at total na from September 2006-December 2015, total amount of credits and deposits ay tumataginting na mahigit P2 billion,” sabi ni Trillanes. 

Aabot daw sa P2.207 billion ang kabuuang halaga ng pera sa bangko ni Duterte ayon kay Trillanes. Matatandaang sinabi ni Pres. Duterte na P40 million lang ang pera niya sa bangko.

Nangako rin siya sa harap ng mga sundalo sa Marawi kahapon na puwede siyang barilin kung lumagpas ang savings account niya sa P40 million. 

“Kung makikita ito ng mga sundalo, M16 na ‘yung gagamitin sa’yo kasi marami-rami ito, mauubos ‘yung magazine,” sabi ni Trillanes. 

Sa huli, muling hinamon ni Trillanes si Duterte na pumirma ng bank waiver. 

Video courtesy facebook.com/News5Everywhere
                      


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento