Base sa report makikita sa kuha sa CCTV camera na biglang nagkagulo sa labas ng San Roque Church matapos ang huling misa para sa simbang- gabi.
Ang nasabing rambol ay kinabibilangan ng mahigit limampung mga kabataan na sabay-sabay na nilusob ang kaalitang grupo.
Bagamat hindi kita ang aktuwal na salpukan ng dalawang pangkat pero kitang kita naman kung paano umatras ang lumusob na grupo.
Ito pala ay dahil sa pag dating ng mga barangay tanod at mga rumespondeng mga pulis. Apat na menor de edad ang naaresto at may nakuhang mga patalim.
Ang isa sa mga nadakip, isang dalagita na grade 9 student na nakuhanan ng “combat knife.”
Pero paliwanag niya, sa kuya raw niya ang patalim at inihagis lang sa kaniya.
Itinanggi rin ng tatlong binatilyo na sa kanila ang mga nakuhang tactical knife at samurai sword at iniabot lang daw ng mga kaibigan.
Ayon sa mga awtoridad, sakit ng ulo ang mga kabataan mula pa nang magsimula ang simbang-gabi sa lugar na kung tawagi ay “lakas ng mahihirap.”
Nangako ang pulisya na dodoblehin nila ang “police patrol” at “visibility” sa mga parokya at dadalhin naman sa social welfare department ang mga nahuling menor de edad.
0 Mga Komento