“’Yung style mo na ‘yan gusto kita gawaing presidente. Alam mo, kaya mo,” sabi ng pangulo.
Pinuri ni Duterte ang ipinapakita ni Pacquiao sa Senado at kung paanong inuuna ang mga mamamayan sa kanyang mga prayoridad.
Hindi maikakaila ayon sa pangulo na malaki ang naiambag na karangalan ni Pacquiao sa Pilipinas dahil sa pagiging world champion nito at sa mga tagumapay na nakamit sa larangan ng boxing.
Marapat lamang aniya na gayahin ang determinasyon at kababaang loob ni Pacquiao.
“As a senator, you have demonstrated the qualities of a true leader-someone who believes that in order to make the Philippines a better country, we have to keep our people on top of our priorities. I am glad that you are with me in this mission,” sabi ni Duterte.
Naihalintulad din ng pangulo ang buhay nilang dalawa ng senador kung paanong nagmula sila sa mahirap na pamilya. Ito rin umano maaari ang dahilan kung bakit naluklok sila ng sambayanan.
“Pasalamat ako na anak ako ng mahirap. Had it been na anak ako ng milyonaryo and probably because of the political environment in the Philippines,” sabi ni Duterte.
“Manny, from the humble beginnings to what he is now. But yet, hindi niya maalis-alis, he cannot detached himself from being what he was,” dagdag pa niya.
0 Mga Komento