Duterte:32 patay,Another 32 everyday then maybe we can reduce the what ails this country!

Pinuri ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang ikinasang anti-drug ope­rations ng Philippine National Police (PNP) sa Bulacan kung saan uma­bot sa 32 kataong napatay na sangkot diumano sa iligal na droga ito ay sa kanyang pahayag sa ika-19 anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Malacañang kahapon. 

“‘Yung namatay daw kanina sa Bulacan, 32 in a massive raid. Maganda ‘yun. Makapatay lang tayo ng mga another 32 everyday then maybe we can reduce the… what ails this country,” 

Ipinaliwanag din ng Pangulo na mahihirapan siyang tapusin ang drug problem sa loob ng ipinangakong tatlo hanggang anim na buwan. 

“Let me just give you a story. ‘Yung si Albuera Mayor…(Rolando) Espinosa was lording it over doon sa Albuera, Leyte…at walang eleksyon doon. Pinapatay…at pati ­pulis na ayaw sumunod sa kanya, pinapatay. About six. Walang… No political expression there. No political free will to choose the leaders na gusto nilang magpatakbo ng bayan nila…at ‘yung mga kalaban, pinapatay, ina-ambush.
Doon naman si Parojinog, almost two decades. Walang magsalita doon pari and you can buy shabu diyan sa sari-sari. ‘Di ka nga over-the-counter eh. It’s freely sold,” Ani Duterte. 

Binigyang-diin ng Pangulo na kung hindi­ gagawa ng kaukulang hakbang ay hindi mapuputol ang mga ganitong bulok na kalakaran.

“Ayaw ninyo kasing maniwala…I’m addressing not you, lalo na ‘yung mga human rights…that drug was eating our country. 
That if you do not do anything drastic. Si Duterte walang ano, drugs palagi. ‘Yan ang problema. Kaya tayo nagkikita-kita dito eh. Kaya ngayon, nakita mo 32, kanina daw sa Bulacan. It’s really a problem.

It takes a toll on the lives of people whether you are really the victim or the criminal. 
Walang ka­tapusan ito,” dagdag pa ng Pangulo. 

Pero Iginiit muli ng Pangulo na desidido siya na tapusin ang problema ng iligal na droga sa bansa para mapangalagaan at maprotektahan ang susunod na hene­rasyon ng mga Pinoy.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento