LOOK! Daang-daang armas isinuko kay Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Ozamis City!

Daan-daang mga armas na kinumpiska ng Ozamiz City PNP ang isuko kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa nasabing lungsod noong Huwebes. 

Naroon din si Philippine National Police Director General Chief Ronald “Bato” Dela Rosa upang saksihan ang seremonya. 

Heavy and small firearms ang nakumpiska sa iba’t ibang tao na konektado sa pamilyang Parojinog. 

Ipinakita sa media bago dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar. Ang ilang mga armas na iniharap ay nagmula sa mga Surrendered Barangay Captains ng Ozamiz City. 

Ayon kay Senior Inspector Jovie Espenido, ang mga armas na isinuko ng mga public officials ng Ozamiz ay nagmula sa mga Parojinogs upang itago ang kanilang mga baril mula sa gobyerno. 

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay naka-iskedyul na makipag-usap sa mga tropa sa Ozamiz City at igagawad ang pitong medalya sa mga pulis na sumali sa pinakamalalaking anti-drug raid sa kasaysayan ng nasabing lungsod na nagresulta sa pagkamatay ni dating Aldong Parojinog Sr. at Board Member Octavio Parojinog. 

Ang anti-illegal drug raid na pinangunahan ng kontrobersyal na pulis na si Senior Inspector Jovie Espenido ay nagresulta rin sa pag-aresto ng ilang mga opisyal ng bayan ng Ozamiz City kabilang si Vice Mayor Nova Princess Parojinog Echavez na kasalukuyang na detained sa Manila. 

Noong nakaraang linggo, nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Dela Rosa ng isang espesyal na award kay Jovie Espenido para sa kanyang malaking kontribusyon sa ”War on drugs”ng gobyerno.

photo here courtesy PTV



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento