Duterte Buo parin ang Kumpyansa kay Faeldon!

Patuloy pa ring pinaninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang suporta kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito’y sa kabila ng serye ng mga imbestigasyon sa Kongreso tungkol sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa ilalim ng pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC). 

Sa kaniyang talumpati sa anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sinabi ng pangulo na buo parin ang kumpyansa nya kay Faeldon. 

I will stand by him. He’s really honest. Kaya lang nalusutan siya because lahat diyan sa Customs, corrupt. My God,” ani Duterte

“I hope I would not offend any particular person but almost all [are corrupt]. Sila ‘yong magagandang bahay…magaganda ang kotse [They are those who have beautiful houses and beautiful cars] ,” dagdag pa ng Pangulo.

Naniniwala si Duterte na nalusutan lang si Faeldon ng mga tiwaling opisyal ng naturang kawanihan, lalo’t halos lahat sa mga opisyal ng BOC ay sangkot sa kurapsyon. 

Samantala sinabi ng hepe ng BOC na hiniling niya sa Pangulo na siya ay tanggalin sa puwesto ngunit tinanggihan ng Pangulo ang kanyang kahilingan. 

“I already requested the President to fire me. I don’t want to give the President a hard decision to make so I volunteered to him,” ani Faeldon.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento