LOOK! Ang Alindog ni Winwyn Marquez,Ready na!

Ready to fight na si Winwyn Marquez, ang Miss Reina Hispanoamericana-Filipinas 2017, sa pagsabak niya sa Miss Reina Hispanoamericana sa Bolivia­ ngayong November.

Masyado ngang maiksi ang preparasyon ni Winwyn, pero sa mga pinost niyang photos sa kanyang Instagram account, winner na winner na agad ang alindog niya.

Perfect na alindog, na puwedeng bumulag sa mga Latina beauties.
Sabi nga, hindi man mestisa, hindi man katangkaran, pero taglay-taglay ni Winwyn ang talino, at curves, na magugustuhan ng mga taga-Bolivia.

“Get motivated, be disciplined and never underestimate yourself. Enjoy the process! See that gigil smile? (I was about to laugh…then click) #HitManDan#ForTheWyn #ReinaTeresita,” sey ni Winwyn.

Marami nga ang nagdarasal na manalo si Winwyn sa naturang international beauty pageant.
Dagdag karangalan sa Pilipinas, at bonus na rin sa mga paghihirap ni Winwyn, kung saka-sakali.


What can you say about this?


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento