“Don’t ask me how I … what kind of listening device … It was a whisper from God and I was listening to him. So they were all tapped. I was the one who ordered it,” sabi ni Pres. Duterte
Partikular daw na pinatiktikan ng pangulo sina Iloilo City Mayor Jed Mabilog at ang napatay na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog.
Agad namang dumepensa ang Malacañang sa sinabing ito ng pangulo. Maaaring iniutos raw ito ng pangulo pero sigurado naman daw na alam niya ang hangganan at ang batas tungkol dito.
“I’m sure that being a lawyer, he was operating within bounds of legality,” sabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Ayon sa R.A. No. 4200 o Anti-Wiretapping Law na naisabatas noong pang 1965, ipinagbabawal ang pakikinig o pagsilip sa pribadong pakikipag-usap ng isang indibidwal.
Kabilang na dito ang paglalagay ng kable para mapakinggan ang pinag-uusapan o ang pasikretong pagre-record ng pinag-uusapan.
“It shall be unlawful for any person, not being authorized by all the parties to any private communication or spoken word, to tap any wire or cable, or by using any other device or arrangement, to secretly overhear, intercept, or record such communication or spoken word by using a device,” ayon sa Anti-Wiretapping Law.
Ang sinumang lumabag dito ay makukulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Kapag opisyal naman ng gobyerno ang lumabag sa nasabing batas ay posible siyang makasuhan at matanggal sa puwesto.
“Imprisonment for not less than six months or more than six years… Absolute disqualification from public office if the offender be a public official at the time of the commission of the offense,” nakasaad sa Anti-Wiretapping Law
Gayunman, maaari namang mag-wire-tap ang isang indibidwal kung may kinalaman ito sa isyu ng rebelyon, treason, kidnapping at iba pang krimen tulad ng binabanggit ng pangulo tungkol sa mga narco-politicians.
Bago ito isagawa, kailangan may permiso o pinayagan muna ito ng korte. “Provided, however, That in cases involving the offenses of rebellion, conspiracy and proposal to commit rebellion, inciting to rebellion, sedition, conspiracy to commit sedition, and inciting to sedition, such authority shall be granted only upon prior proof that a rebellion or acts of sedition,”
Nakasaad sa Anti-Wiretapping Law Para naman sa ilang mambabatas, dapat na raw amiyendahan ang nasabing batas at payagan na ang pagwa-wire-tap sa mga drug suspect.
Madali raw ang maitutulong nito lalo pa’t lalong pinaiigting ng pangulo ang kampanya kontra iligal na droga.
source
0 Mga Komento