Veteran journo Jay Sonza, Naniniwalang sinadya ang maling Spelling ng Philippines!

Mas lalong naging aktibo ngayon ang Veteran Journalist Jay Sonza sa kanyang mga facebook post sa kanyang FB page at nito lang bago ay kanyang napuna ang pagkakamali sa spelling ng bansa sa paghahanda para sa gaganaping ASEAN Summit sa Pilipinas.

Naging tanong ni Sonza kung Sinadya ba ang pagkakamali?Matatandaang nagkamali sa spelling mismong sa bansa natin, Imbes na “Welcome to the Philippines,” ang nakaimprenta ay “Welcome to the Philppines.” 

Ayon kay Sonza marapat lamang talaga na maging ganap ang paghahanda para hindi tayo mapahiya sa mga bisita, Lalo na ng mga president, punong ministro at kanilang mga opisyal.


Ayon kay Sonza hindi na bago sa Pilipinas ang maging host ng mga international at world activities. We hosted several of them. The Miss Universe Pageant, APEC Summit, Doctors’ Congress, Papal visits at iba pa.

Ani ang naging kakaiba daw ngayon ay noong Huwebes ng hatinggabi o Biyernes ng medaling araw ay ikinabit na ang mga dambuhalang streamers sa mga maaring daanan ng mga delegado sa ASEAN Summit.

”Ang naging kakaiba lang ngayon, dahil noong Huwebes ng hatinggabi o Biyernes ng medaling araw ay ikinabit na ang mga dambuhalang streamers sa mga maaring daanan ng mga delegado sa ASEAN Summit.Ani Sonza.

Dagdag pa ni Sonza parang ang hirap daw paniwalaan na simpleng pagkakamali ang nangyari. Design pa lamang ay dumadaan na ito sa butas ng karayom ng mga mapanuring mata at ang panlasa ng mga kinauukulan.

Giit pa ni Sonza napakahirap paniwalaan dahi sa dalawang taong paghahanda bakit nagkaroon ng wrong spelling sa mismong spelling ng ating bansa.

Aniya pa milyon-milyong halaga ng buwis o pera ng taong bayan  ang ginamit sa pagpapaimprenta nito at pagsasabit dito.  Panibagong gastusin na naman ang gagawin upang mapalitan ang mga maling streamers na ito.

Posible kayang sinadya ito upang mapahiya ang kasalukuyang nanunugkulan? Sino ba ang dating namuno sa DILG bago maupo si Mr. Duterte bilang pangulo? Sino ang maaring manabotahe sa okasyon?tanong ng Veteranong journo.

Kayo ba,Ano ba ang inyong opinyon?Sinadya ba kaya ang pagkakamali?
source:facebook.com



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento